Creepiest book Ive read so far. Part ng creep factor yung feeling ng being on your own, nasa isolated na lugar, parang wala ka pang ibang pwedeng puntahan at pwedeng hingian ng tulong for fears na, baka yung hingian mo ng tulong is one of them, tapos may pasanin at alalahanin ka pa.
Isa pa sa mga reasons kung bakit creep'd out ako with this book, is my childhood fear of religious statues. As a kid dreaded ko noon ang isama ako ng lola ko papuntang Quiapo Church. Takot na takot kasi ako sa mga rebulto ni Jisas dun. Yung Nazareno, yung nakalatag dun sa parang coffin at yung nakapako dooon sa loob.
Seriously, sinong hindi matatakot sa isang corpse, taong nakapako na kitang kita mo ang suffering sa mukha, at version ng isang kinikilalang diyos, in Black? At dahil pa written sya na style diary, nae-envision mo talaga yung scene, you see it in a first person perspective, thats why it is soo creepy to read.
Pinahiram ko to sa isang friend, nag text pa saken, hindi daw sya makatulog dahil sa binasa nya daw yung book. Ganun talaga sya ka creepy. A word of advise, tingnan mo na lang yung back cover ng book, kapag tapos mo na sya basahin...